PNPA director pinalitan matapos ang hazing incident na ikinamatay ng isang kadete

Kinumpirma ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na may bagong director ang Philippine National Police Academy (PNPA) kasunod ng umano’y hazing incident dito na ikinamatay ng isang kadete.

Ayon kay Eleazar papalitan ni Police Brigadier General Alexander Sampaga si Police Major General Rhoderick Armamento bilang PNPA director.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Opisyal na uupo sa PNPA si Sampaga sa darating Miyerkules.

Papalitan naman ni Armamento si Sampaga bilang director ng Information and Communication Technology ng PNP.

Una nang ipinag-utos ni Eleazar ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ni Cadet Third Class George Karl Magsayo matapos umanong bugbugin ng isang upperclassman na kinilalang si Cadet Second Class Steve Ceasar Maingat.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Ngayong araw naman inaasahang isasampa ang kasong paglabag sa Anti-Hazing Law resulting to Homicide laban kay Maingat.