PNP, walang nakikitang security threat sa nalalapit na SONA

Walang nakikitang security threat ang Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Sa panayam ng PNP Press Corps kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ipatutupad pa rin ang maximum tolerance sa mga grupong sasabayan ng kilos-protesta ang SONA.

Nais nilang mairaos ng maayos ang SONA nang walang gusot sa pagitan ng mga pulis at militante.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kaugnay nito, bukas umano ang PNP na makipagdayalogo sa mga militante para ipagbigay alam ang mga proyekto ng gobyerno.

Mananatili pa rin sa 22 thousand ang bilang ng mga pulis na ipakakalat sa iba’t – ibang places of convergence , at ang mayorya sa kanila ay ipoposisyon sa paligid ng Batasang Pambansa.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Wala pang desisyon si Marbil kung itataas o ilalagay sa hightened alert status ang PNP sa araw ng SONA.

Samantala, pinatutukan naman ng PNP Chief sa mga pulis na magbabantay sa SONA ang lagay ng trapiko.

Ito’y para maiwasan ang “inconvenience” ng mga tao sa dami ng deployment ng mga pulis.