PNP, wala na-monitor na destabilization plot laban sa administrasyong Marcos sa kanilang hanay

Wala raw namo-monitor na anumang destabilization plot laban sa administrasyon sa hanay ng pulisya

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., isang daang porsyentong suportado ang PNP sa administrasyon at walang dahilan para sa destabilisasyon.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Kumpiyansa rin aniya ang PNP na stable at matatag ang gobyerno.

May ilang isyu sa PNP pero kaya naman umanong tugunan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Tinukoy ni Acorda ang isyu sa pension system para sa military at uniformed personnel at nakausap na rin niya ang Kongreso patungkol dito.

Maalaalang ang pag reporma sa MUP pension system ay tinatalakay ngayon sa Kamara at Senado.