Mga biktima ng karahasan noong panahon ng Hapon, humingi ng accountability kay PM Kishida

Muling nanawagan ng accountability ang grupo ng comfort women kasabay ng pagbisita ni Japanese Prime Minister Kishida sa Pilipinas.

Ayon kay Flowers for Lolas co-convenor Teresita Ang See, ngayong nasa bansa si Kishida, muling nilang iniaapela na dapat silang kilalanin ng Japanese government, at dapat ding magkaroon ng reparations.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Samantala, hindi rin sinang-ayunan ng ilang mga grupo ang Reciprocal Access Agreement (RAA) at Official Security Assistance na ini-offer ng ni Kishida sa pamahalaan.

Giit ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), daragdag lang sa ‘volatile mix’ ng pwersang militar ang RAA sa rehiyong kinabibilangan ng dalawang bansa.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Mariing sinabi ng naturang grupo, sa pamamagitan ng mga inihaing kasunduan, ide-‘degrade’ lang ng Japan ang soberanya ng Pilipinas, at mas lalala lang din ang tensyon sa rehiyon.