Pinaghahandaan ng Philippine National Police ang change-of-command ceremony at retirement honors para kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr.
Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na nakatakdang gawin sa March 27 ang change of command ceremony sa papalit kay Acorda na matatapos ang term extension sa March 31, 2024.
Ayon pa kay Fajardo, wala pa siyang impormasyon sa kung sino ang papalit sa PNP Chief.
Paliwanag naman ni Fajardo na base sa umiiral na batas, ang Presidente lamang ang may sole prerogative at authority na pumili ng susunod na Chief PNP. Nabatid na kwalipikado sa susunod na mamuno sa PNP ang mga opisyal na may ranggong heneral pataas.