PNP, tiniyak na “COVID-19-free” ang mga pulis na ipinadala sa Batangas

Tiniyak ng Philippine National Police-Administrative Support to Covid-19 Operations Task Force (PNP-ASCOTF) na “Covid-19 free” ang mga pulis na naka-deploy ngayon sa Batangas, kasunod ng muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay PNP-ASCOTF Deputy Chief for Administration Commander Police Lieutenan General Joselito Vera Cruz, kumpiyansa siya na ang mga na-deploy at mga made-deploy pa na mga PNP personel sa Batangas ay negatibo sa covid-19.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Aniya, sumailalim naman sa regular na RT-PCR testing ang mga pulis na nakatalaga sa NCRPO, Police Regional Office 3 at 4-A sa kanilang unit.

Binigyang diin ni Gen. Vera Cruz na hindi naman ang mga ito maaaring i-deploy kung positibo sa naturang virus.

Sinabi naman ng opisyal na kung sakaling may magpopositibo sa mga PNP personnel, mayroon naman aniya silang standards operating procedure na sinunod nang sa gayon may maisailalim agad ang mga ito sa treatment at hindi na makahawa pa ng iba nilang mga kasamahan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Aniya, palagian naman ang kanilang paaalala sa mga kapulisan na panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standards at health and safety protocols.