PNP, tiniyak ang seguridad sa mga barangay officials na may banta sa buhay

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mabibigyan ng seguridad ang mga barangay officials na mayroong mga validated na banta sa kanilang buhay.

Ayon kay Police Security Protection Group (PSPG) director BGen. Antonio Yarra – dalawang mga opisyal na ng barangay ang nabigyan nila ng police escort.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Ang dalawang ito ay mula sa Pangasinan, at isa naman sa Batangas; habang mayoron pang isang request na pinoproseso mula naman sa Laguna.

Ayon kay Yarra, ang mga opisyal na ito ay mayroong mga kumpirmadong threats gaya na lamang ng posibleng ambush.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Sa kasalukuyan, mayroon na silang 257 na deloyed police escorts sa 158 officials, kabilang na ang ilang Senador pababa sa mga local officials.