PNP, tinanggal na sa serbisyo ang pulis na nanghingi ng pera sa cop applicants

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na tinanggal na mula sa serbisyo ang isang pulis dahil sa grave misconduct matapos na manghingi umano ito ng pera mula sa mga police applicants, para maprayuridad na makapasok sa police force.

Ayon kay Eleazar, ang dismissal kay Police Staff Sergeant Joel Zalun Bunagan, ambulance driver ng PNP Health Service, ay naging epektibo noong Lunes.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Si Bunagan ay nahuli ng mga operatiba ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group sa isang entrapment operation sa Barangay Camarin, Caloocan City noong May 31, dahil sa panghihingi ng P100,000 mula sa police applicant.

Nabatid na si Bunagan ay nakapiyansa pala sa panahon ng pag-aresto sa kanya, matapos na una nang maaresto sa isang entrapment operation sa Barangay Maligaya sa Quezon City noong April 2020 dahil sa kaparehong extortion offense.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Dahil dito, ang naturang pulis ay nahaharap sa iba’t-ibang criminal charges kabilang na ang paglabag sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Act of 2018 at ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. // MHEL PACIA-TRINIDAD