PNP, suportado ang designation ng ATC kay Rep. Teves

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nagtalaga ng labindalawang indibidwal bilang mga ‘terorista.’

Ayon sa PNP, katuwang sila ng ATC para matiyak ang kaligtasan ng mga tao mula sa krimen at terorismo.

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks

Dagdag pa ng ahensya, pagtitibayin nila ang pangako nito na paigtingin ang seguridad ng bansa laban sa mga armadong grupo.

Kaugnay rito, hindi naman binanggit ng tanggapan ang pangalan mula sa 12 na binansagan bilang terorista ng naturang Council.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Samantala, naglabas ng pahayag ang  PNP tatlong araw matapos ma-tag bilang ‘terorista’ ng ATC si Suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.