PNP, sinimulan na ang paghahanda para sa 2025 midterm elections

Nagsimula nang maghanda ang Philippine National Police para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, paiigtingin nila ang mga checkpoint at gagawin nilang puspusan ang mga police operation sa iba’t-ibang mga lugar sa bansa.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa pamamagitan anya nito ay umaasa silang malalansag ang mga iligal na armas, private armed groups at mga sindikato ng iligal na droga.

Ang naturang mga bagay kasi ang pwedeng makapangulo sa demokratikong proseso ng eleksyon.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Kasunod nito, makikipag-ugnayan din ang PNP sa mga Lokal na Pamahalaan para paigtingin ang kanilang pagbabantay sa mga ituturing na hotspot areas.

Palalakasin din ng PNP ang community awareness programs nito upang mahikayat ang publiko na magsumbong ng mga kahina-hinalang aktibidad.