PNP Regional Office 5, nagbigay na ng pahayag ukol sa pag-aresto’t pagkulong sa mediaman na lumabag umano sa data privacy

NAGA CITY- Nagpalabas na ng pahayag ang Police Regional Office 5 , ukol sa pag-aresto’t pagkulong sa isang mediaman sa Iriga City, Camarines Sur.

Agosto 2 nang arestohin si Jose Rizal Pajares ng dahil sa unauthorized na pag access sa blotter book. Nakasad pa sa pahayag ng PNP 5 na nagrequest ng impormasyon ang reporter pero inabisuhan ng duty investigator na sundin muna ang protocol na magpaalam sa hepe. Ngunit wala pa mang permiso kinuha ng reporter ang police blotter, ginawa ito habang nasa proseso ang duty police officer ng pag contact sa Chief of Police.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nakita mismo ng hepe ang ginagawa ng media personality na tumitingin sa blotter book na labag sa Memorandum Circular No. 2020-037 o sa Police Blotter and CIRAS Information Access kaugnay ng Data Privacy Act of 2012.

Kahit na public document ang police blotter may mga confidential information ito ayon pa sa PNP Bicol.

Nanindigan si Pajares na wala siyang nakuhang impormasyon sa blotter book, wala rin siyang nailabas sa publiko.  Humingi ito kaagad ng tawad sa hepe.  Pero pinabasahan pa rin ng Miranda doctrine, pina medical na naka posas, ikinulong at inabot pa ng tatlong araw bago makapag piyansa.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon kay Pajares ang CCTV footage ang makakasalaysay ng nangyari.

Kinukuwesyon ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas – Camarines Sur Chapter ang naging pamamaraan ng Iriga City Police Station sa pagkulong sa nasabing mediaman dahil hindi man lamang umano winarningan.

Sa ngayon, handa rin ang KBP na magpalabas ng counter statement at aksyon bilang proteksyon na rin sa iba pang mamamahayag.

Nagpatawag ng Pressconference ang PNP Camarines Sur ngayong pero nag desisyon ang KBP na hindi sumipot.