PNP online system , naka-shutdown na muna matapos tangkain din i-hack ang data system nang Firearms and Explosives Office

Naka shutdown na ang lahat ng PNP systems bilang bahagi ng pagpapanatali ng seguridad at integridad ng mga data ng Pambansang Pulisya.

Partikular na ang frontline services nila tulad ng Firearms and Explosives Office, National Police clearance at iba pang online services para matiyak na hindi na madamay pa ang iba nilang system.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng PNP na tinangka rin i-hack ang data system ng Firearms and Explosives Office

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. jean Fajardo, sa inisyal na imbestigasyon, ang threat actors na responsable rin sa tangkang paghack sa Logistics Data Information and Management System ay kapareho ng nagtangkang maghack sa data system ng PNP FEO.

Sa ngayon hindi pa nadedetect kung may nakumpromisong data.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nagpapatuloy aniya ang assessment kung tuluyan bang nagkaroon ng breach o na-hacked ang sistema ng PNP-FEO maging ng kanilang Logistics Data Information and Management System.

Paliwanag ni Fajardo, sa ngayon dicentralize ang sistema, subalit availabale naman ang mga ito PNP regional offices at sa Kampo Crame habang isinasagawa ang assessment at makapaglagay ng karagdagang proteksyon sa mga datus na hawak ng PNP.

Patuloy na nag-iimbestiga ang PNP Anti-Cybercrime.