Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na nasa bansa pa rin si Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, walang indikasyon na nakalabas ng Pilipinas si Quiboloy dahil wala pa ring validation at confirmation dito ang Bureau of Immigration.
Sa ngayon, nagsasagawa ang PNP ng simultanenous implementation ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at iba pang akusado sa Davao City.
Nauna nang nanawagan si Fajardo sa mga taga-suporta ni Quiboloy na maging mahinahon at hayaan silang i-serve ang warrant para maiwasan ang tensyon.
Paliwanag ng opisyal, alisunod sa batas ang ginagawa ng mga operatiba ng PNP sa Davao City.