Nabuwal na puno, naharang sa gitna ng kalsada

Perwisyo para sa iilang residente ang natumbang puno sa Osmeña Boulevard Street sa Cebu City.

Pasado alas 6:00 ng umaga nitong Martes, Hunyo 11 dahil humarang ito sa North bound lane ng nasabing lugar.

Dahil rito, temporaryo munang isinara ang naturang bahagi ng kalsada

Kaagad namang naglabas ng rerouting advisory ang Road Management Authority.

Isinagawa ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office ang clearing operation.

Matapos ang halos dalawang oras, natanggal ang nakaharang na puno at muling binuksan para sa mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *