Naka-full alert status pa rin ang mga tauhan ng Philippine National Police sa buong Metro Manila ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PLTCOL Eunice Salas, Chief PIO ng NCRPO, bagaman aniya tapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election at Undas ay patuloy pa rin ang pagtatalaga ng kapulisan sa kanilang mga strategic area.
Ayon naman kay PLTCOL Salas, generally peaceful ang kinalabasan ng BSKE at Undas matapos maging matagumpay ang naging deployment ng mga force multiplier.
Sa ngayon, pinaghahandaan na rin ng NCRPO ang nalalapit naman na kapaskuhan kung saan may itinalaga na ring mga tauhan ng PNP sa inaasahang mga lugar na dadagsain ng publiko kagaya ng naglalakihang mga Mall at iba pang pasyalan.