PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto scam ngayong nalalapit na kapaskuhan

Nagbabala sa publiko ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group na huwag mabiktima ng mga scammer na nag-aalok ng pekeng crypto investments.

Sinabi ni PNP-ACG director BGen. Joel Doria , nakakatanggap na umano ng ulat ang pulisya na mayroon ng mga naaakit ang mga scammers ng mga potensyal na biktima sa pamamagitan ng pag-aalok ng pekeng pamumuhunan sa crypto.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Nagdodoble-oras na umano ang mga ito upang nakawan ng pera ang mga tao sa loob lamang ng ilang araw bago ang pasko kung saan ang mga empleyado ay nagsisimula na rin makatanggap ng kanilang Christmas bonus.

Ang mga potential investors ay hinihiling na mag-download ng isang app na kapag na-install ay kakailanganin nilang i-cash ang kanilang investments sa mga digital wallets na nakalista sa application.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Habang nagsisimulang kumita, naengganyo ang mga ito na mag-invest n at kapag nagsimula silang mag-withdraw ng kanilang pera ay hindi na sila papayagan ng application at doon na nagsisimula ang panloloko sa mga tao.
#