85% ng mga Pinoy, naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ni Marcos

Naniniwala ang 85 percenmt ng mga pinoy na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Administrasyong Marcos.

Sa 4th quarter ng 2022 Tugon ng Masa survey na isinagawa noong October 23-27 ng Octa Research Group, tinanong ang 1,200 adult respondents sa buong bansa batay sa mga patakaran at mga programang ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Batay sa resulta ng survey, 85 percent ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang nagsabing ang bansa ay patungo sa tamang direksyon, habang 6 percent lamang ang nagsabi ng pinag -iisipan pa nila.

Sa mga pangunahing lugar, ang mga nasa Visayas ang nagrehistro ng highest agreement na ang bansa ay nasa tamang direksyon o may 91 percent.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Walumpu’t pitong porsyento ng mga Pilipino naman sa Balance Luzon, sa labas ng Metro Manila, at 84 porsyento sa Mindanao ang nagsabi rin na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.