PNP Naga nakaalerto sa kilos protesta kaugnay ng ika-50 taong pag-alala sa deklarasyon ng Martial Law

NAGA CITY- Inaasahan ng Naga City Police Office ang mga kilos protesta ngayong araw kaugnay ng ika- 50 taong pag-alala sa deklarasyon ng Martial Law o Batas Militar sa pamumuno ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PLtCol. Errol Garchitorena, Deputy City Director for Operations. Aniya hindi nila ipinagbabawal ang mga pagkilos, ang hiling lamang ay mapayapang protesta. Nakalatag ang mga nasa intelligence upang magbantay.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang mga malalalaking Plaza sa Naga ang madalas na venue ng mga pagkilos ng mga progresibong grupo mula lungsod at sa iba’t-ibang bahagi ng Camarines Sur.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, noong Lunes nagtipon ang mga mag-aaral, kabataan, kababaihan, at representate ng iba’t-ibang sektor lalo na ang mga Martial Law survivors para sa forum na pinamagatang  “Pagrumdom asin Pagtumang”,  natalakay din ang umano’y mga porma ng historical distortion.