Isang aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes nakarekober na sa sakit

CAMARINES NORTE- Nakarekober na sa sakit ang isang aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Dahil dito walang aktibong kaso ng COVID- 19 sa ngayon at umakyat na rin sa 169 ang bilang ng mga gumaling.

Nasa 190 ang kabuuang kaso ng sakit na naitala sa naturang bayan mula noong 2020 at sa  bilang na ito ay 21 ang nasawi.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang Barangay San Roque ang may pinakamaraming naitalang kaso na mayroong 35 at Del Rosario na may 24.

Ang Catandunganon naman at Cayucyucan ay nakapagtala lang ng isang kaso.

Marami sa mga tinamaan ng sakit ay nasa age group na 21- 30 at karamihan ay mga babae.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Wala namang naitalang paggamit sa ngayon sa Mercedes Ligtas COVID Center na naglaan ng 43 kama.

Sa bilang na ito 12 ang para sa confirmed RT PCR positive, 15 sa antigen positive at 16 sa close contact.