PNP makikipagtulungan na sa AFP para lansagin ang mga private armed groups sa buong bansa

Makikipagtulungan na ang Philippine National Police sa Armed Forces of the Philippines para tukuyin, tuntunin at lansagin ang lahat ng private armed groups sa bansa.

Sa isang panayam kahapon, sinabi ni PNP Spokesperson, Col. Redrico Maranan na ang hakbang ng kapulisan ay bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng mga pag-atake sa mga lokal na opisyal kabilang ang kamakailang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Sinabi ni Maranan na gagawa sila ng listahan ng mga political hotspot sa bansa kung saan laganap ang pag-atake sa mga lokal na opisyal.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Noong Lunes, naglabas ng direktiba si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng police commanders na paigtingin ang pagsusuri sa mga kritikal na lugar sa bansa kung saan posibleng mangyari ang mga pag-atake.//CA