PNP, kinumpirmang biktima ng kidnapping ang 4 na na-rescue sa na-raid na pogo sa Pampanga

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na biktima ng kidnapping ang apat na indibidwal na nasagip mula sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, isa sa apat ang nakaposas sa frame ng kama nang ma-rescue nila ito.

Nauna nang natuklasan ng mga awtoridad ang ebidensya ng torture at kidnapping sa nasabing hub

Noong nakaraang linggo, naaresto sa nasabing POGO Hub 158 Chinese, Vietnamese at Malaysian nationals.

Mas mababa ito sa inaaasahan ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Dr. Winston Casio na 1,000, dahil hinala nitong kumalat na ang impormasyon bago nila salakayain ang POGO hub.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *