Ilang tricycle owners sa bayan ng Basud humirit sa LGU na bumuo ng isa pang TODA

CAMARINES NORTE – Humirit sa Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Tricycle Regulatory Board ang ilang nagmamay- ari ng tricycle sa bayan ng Basud, Camarines Norte para lumikha ng bagong Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na may rutang Laniton, Basud- Laniton, San Lorenzo Ruiz at vice versa.

Batay sa sulat ni Vicente De Vera, isa sa mga nagmamay ari ng tricycle na pirmado ng siyam na iba pa, mas magiging convenient at efficient ang mode of transportation ng mga residente sa lugar kung magkakaroon ng panibagong TODA dahil mas iikli ang kanilang biyahe.

Mahigit isang oras umano ang biyaheng  Daet to Laniton, San Lorenzo Ruiz samantalang 30 hanggang 45 minuto lang ang Daet to Laniton Basud.

Magbebenepisyo  anila ang mga residente sa Barangay Laniton, Basud dahil tataas ang kanilang income at sa pamamagitan nito ay makikinabang rin ang ekonomiya ng munisipyo sa pamamagitan naman ng tax payment.

Mababatid na bukas na ang kalsadang nag- uugnay sa nabanggit na mga lugar kaya naniniwala ang mga nagma- may ari ng tricyle na panahon na para magkaroon ng bagong TODA.

Ini- refer na sa Committee on Public Utility ang usapin at sa susunod na linggo ay magpupulong ang komite para talakayin ang naturang referral. Sa ngayon ay mayroong 400 tricycle unit ang pumapasada sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *