Mayroon nang inisyal na listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na posibleng mapasama sa election areas of concern sa susunod na taon.
Pero nilinaw ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, na sasailalim pa sa re-validation ang listahan ng Joint Peace and Security Coordination Council kung saan miyembro ng PNP at Armed Forces of the Philippines.
Kabilang dito ang mga may mahigpit na tunggalian ng mga pulitiko at ang mga may potesyal private armed group.
Dito manggagaling ang mga idedeklara ng Comission on Elections bilang hotspot areas na hahatiin pa sa yellow, orange at red category.