PNP: health rule violators sa panahon ng Alert Level 4, bumaba

Ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na bumaba ang average na bilang ng COVID-19 safety measure violators na naaresto, simula nang ipatupad ang Alert Level 4 sa Metro Manila noong September 16.

Ayon kay Eleazar, bumaba ng 2,700 ang mga lumabag o 10,300 sa kabuoan sa loob ng 30 araw sa ilalim ng Alert Level 4, kumpara sa 26 na araw ng modified enhanced community quarantine na 13,000 naman.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Maliban dito, naging “generally peaceful” rin ang pagpapatupad ng Alert Level 4 sa metropolis, bagama’t may ilanparin na lumabag sa lockdown measures.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Umaasa naman ang PNP chief na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng alert levels,habang ipapatupad parin ang granular lockdowns.

Binigyang diin rin nito na bumababa na rin ang kabuoang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns. //MHEL PACIA-TRINIDAD