Nanindigan ang Philippine National Police na mapayapa ang kanilang ginawang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quioboloy at sa lima pang akusado sa Davao City.

Giit pa ng PNP, ginawa nila ang pagsisilbi ng arrest warrant alinsunod sa legal security protocols.
Naglabas ng pahayag ang PNP matapos batikusin nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte ang pagpunta ng pulis sa mga teritoryo ng Kingdom of Jesus Christ.
Umapela rin ang PNP kay Quiboloy na sumuko na nang mapayapa sa awtoridad, tanggapin ang warrant laban sa kanya, at harapin ang kanyang mga kaso.