PNP, dumipensa sa viral video ng pang-haharass ng mga pulis

Nilinaw na ng Philippine Naitonal Police ang isang viral na video kung saan ay ‘di umano’y marahas na di-nesperse ng mga personnel ng QCPD ang programa ng isang grupo kahapon.

Makikita kasi sa video ng College Editors Guild of the Philippines na inagaw ng mga pulis ang streamers, pati na rin ang mga ipinamamahaging face masks at alcohol ng grupong Salinlahi na para sana sa mga learners kasabay ng school opening.

Ayon kay PNP public information office chief Brig. Gen. Roderick Alba, legal daw at maayos naman nilang pinigilan ng programa ng grupo.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Paliwanag nito, ang ipinaalam daw kasi sa QCPD ng grupo ay mamamahagi lang talaga ito ng mga face masks at alcohol sa tapat ng Corazon C. Aquino Elementary School at hindi nila alam na magpo-protesta ang mga ito.

Aniya, pinigilan lang daw ng mga kapuilisan ang rally lalo na’t nakakasagabal lang ito sa trapiko, pati na rin sa mga magulang at estudyanteng papasok sa eskwela.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Nanindigan din itong hindi naman sila tutol sa mga rally basta’t idaraos lamang ito sa mga tamang lugar.

Una nang binatikos ng mga progresibong grupo ang hakbang na ito ng mga kapulisan at sinabing hindi krimen ang pamamahagi ng face masks.

Ikinabahala rin ng ilang grupo ang posibleng takot na idinulot ng dispersal ng mga pulis dahil nasaksihan ito ng mga bata.

#