Imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa ‘sugar fiasco’, lumarga na

Nagsimula nang gumulong ang senate blue ribbon inquiry kaugnay sa kontrobersiyal na resolusyon ng Sugar Regulatory Administration para umangkat ng 300,000 metric tons asukal.

Kabilang sa mga dumalo sina Executive Sec. Vic Rodriguez at mga dating opisyal ng SRA katulad nina Aurelio Gerardo J. Valderrama, Jr., Roland B. Beltran, dating DA Usec. Leocadio Sebastian, at former SRA administrator Hermigildo Serafica.

Hindi na natanong ng mga senador si Executive Sec. Rodriguez matapos itong i-excuse ng senate blue ribbon committee para dumalo sa gaganaping cabinet meeting ngayong araw.

Sa kanyang opening statement muling iginiit ng kalihim na wala itong kinalaman sa SRA at iligal ang paglalabas ng sugar order no. 4 para mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na walang abiso mula sa Pangulo.

Samantala sa pagharap ni DA Usec. Sebastian sa senado nanindigan itong binigyan siya ng kapangyarihan para lumagda sa naturang resolusyon batay sa memorandum na inisyu ni Rodirguez noong Hulyo 15, 2022.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Aminado naman si Sebastian na hindi niya nakausap ang pangulo bago lagdaan ang kontrobersiyal na sugar order no. 4.

Hontiveros kumbinsidong alam ni ES Rodriguez ang sugar order no. 4 bago pa mangyari ang ‘fiasco’

Naniniwala si Senador Risa Hontiveros na alam ni Rodriguez ang kontrobersiyal na sugar order resolution bago pa man mangyari ang umano’y ‘fiasco’.

Sa nagpapatuloy na senate blue ribbon committee tinanong ni Hontiveros kung bakit hindi ipinagbigay alam ni ES Rodriguez kay Pangulong Bongbong Marcos ang plano ng SRA na umangkat ng asukal bago pa man pumutok ang naturang kontrobersiya.

Ayon sa senadora mayroon nang umiikot na draft ng sugar order no. 4 para mag-angkat ng 300, 000MT ng asukal subalit bakit hindi nito sinabi ng kalihim sa Pangulo.

Samantala nakatikim naman ng pasaring ang SRA officials mula kay Senate Committee on Agriculture Cynthia Villar.

Ayon kay Villar tila masigasig umano ang SRA kapag pag-import ng asukal ang usapan subalit wala naman itong ginagawa sa usapin ng pagtulong sa mga sugar farmers kahit may batas nang naipasa para dito.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada


DA Official, naniniwalang may pagkukulang talaga ang SRA

Nilinaw ni Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban na hindi totoong nagkaroon ng kakulangan ng asukal dahil sa bagyong Odette.

Sa isang panayam, sinabi ni Panganiban na marami umanong mga warehouse ng asukal sa bansa ang hindi gumagalaw.

Ayon kay Panganiban, may pagkukulang umano ang Sugar Regulatory Administration (SRA) dahil hindi nila naisip na magkakaroon ng shortfall dahil sa kakulangan ng produksyon ng asukal.

Aniya, kailangang mag-angkat ng bansa ng asukal para sa mga industrial consumers kabilang na ang mga gumagawa ng softdrinks.

Kung ilalabas umano ang imbentaryo ng asukal ay maaasahan ngayong linggo na bababa ang presyo nito sa 65-70 kada kilo sa merkado.

Samantala, nilinaw naman ni Panganiban na hindi naman malaking problema sa ngayon ang kakulangan ng supply ng asin sa bansa.
#