NAGA CITY- Nakabantay ang PNP Anti Cyber Crime Unit sa posibilidad na bentahan ng smuggled na pulang sibuyas sa Bicol Region.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PLt. Angelo Babagay ng nasabing tanggapan. Aniya hindi kasi nila inaalis ang posibilidad na may naipamahagai na online ng mga pinaniniwalaang pinuslit na sibuyas. Mababatid na ₱30M halaga ng smuggled na sibuyas, ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs at Department of Agriculture (DA) sa Maynila kamakailan.
Katuwang ng cybercrime unit ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang DA sa pagbabantay ngayon lalo na malapit na ang holiday season. Nauuso ang mga bentahan online na nag o-offer ng mas mababang presyo, agricultural products man ito, gadgets, gamit at pang panregalo.