PNP Caramoan, mahigpit parin ang monitoring sa illegal drugs sa kabila ng pagiging negatibo nitong 2nd quarter

CAMARINES SUR —  Wala nang naitalang nasasangkot sa ilegal na droga sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur, ayon sa pulisya, sa pagpasok ng second quarter ng kasalukuyang taon.

Enero nang maideklarang drug free municipality ang nasabing bayan, nang sumunod na buwan, Pebrero, isang 20 gulang na estudyante ang natimbog sa buy-bust operation.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa mga sumunod na buwan hanggang sa kalukuyan, ayon kay Police Captain Neil Brijuega, ang acting chief of police ng Caramoan Municipal Police Station, wala nang sumunod sa mga ito.

Dagdag pa ng opisyal, bagaman, isa itong magandang indikasyon ng epektibong kampanya kontra droga, tinututukan pa rin aniya ang mga barangay at mahigpit na nag-mo-monitor upang tuluyan nang mawala ang ipinagbabawal ma droga sa nasabing bayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, nag-abiso naman ang opisyal sa mga dadayo ngayon sa kanila upang mag-island hopping at magbakasyon na na sumunod sa mga tuntunin ng mga awtoridad upang maiwasan ang anumang aksidente. Naka-antabay rin aniya ang kanilang mga personahe upang umalalay sa mga turista lalo na ngayong nagpapatuloy ang American CBS competitive reality television series  na “Survivor” sa isla.