CAMARINES SUR- 2, 574 aksidente ang naitala sa Camarines Sur mula Enero hanggang nitong Setyembre 2023 base sa record ng Land Transportation Office (LTO), pinakamataas ito sa Bicol Region.
Nitong mga nagdaang araw, marami ring aksidente sa Camarines Sur. Kaugnay nito, sinabi ni PCOL. Julius Caesar Domingo na natutuwa siya dahil bumaba ang crime rate pero ikinalulungkot ang mga aksidente. Nagbabala ang Provincial Director sa mga dadalo sa mga pagtitipon na huwag magpakalasing para sa kaligtasan ng sarili at kapwa gumagamit ng kalsada.
Ang mga bayan ng Pili, Libmanan, Nabua , Iriga City at Pamplona ang nangunguna sa may mataas na aksidente sa nasabing mga buwan.