PNP-ACG, makikipagtulungan sa DICT para sa imbestigasyon ng cyber attacks

Handang makipagtulungan ang PNP Anti-Cybercrime Group sa Department of Information and Communications Technology o DICT para magsagawa ng pormal na imbestigasyon sa tangkang cyber attacks sa ilang gov’t website.

Ayon kay ACG Director PMGen Sydney Hernia, ito’y mapaulat ang tangkang paghack sa website ng OWWA.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Sa kabila naman ng insidente, sinabi ni Hernia na hindi pa ito maituturing na nakakalarma.

Normal kasi ang hacking at kahit mga 1st world country ay nabibiktima nito.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Gayunman, para mapalakas ang kanilang cybersecurity, iniulat ni Hernia na plano nilang bumuo ng cybersecurity center para mapigilan ang ano mang hacking incident at iba pang cybercrime.