PNP-ACG, aminado may underreporting sa kaso ng mga pang-aabuso sa mga bata

Aminado ang PNP Anti-Cybercrime Group na may underreporting sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata.

Ayon kay ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo, maraming biktima ang hindi nagsusumbong sa mga awtoridad dahil sa natatakot silang mapahiya lalo na kung kamag-anak nila ang suspek.

Paliwanag ni Guillermo, kulang sa awareness campaign para makapanghikayat sa mga biktima na lumutang kaya ito ang kanilang pagtutuunan ng pansin.

Sa ngayon anya ay bumababa na ang ACG sa mga barangay para tumulong sa mga posibleng biktima ng pang-aabuso at pinapaunawa ang kahalagahan ng pagre-report.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Base sa datos ng ACG mula January hanggang May 2024, tumaas ang kaso ng krimen online sa mga kabataan sa 175.

Ito’y mula sa 139 na kasi sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Una nang sinabi ng council for the welfare of children kaya underreported o hindi agad naiuulat ang lahat ng kaso ng online sexual abuse or exploitation of children ay lingid sa kaalaman ng biktima na naaabuso na sila kung walang physical touch.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay USsec. Angelo tapales, executive director ng cwc, nakababahala pa rin ang usaping ito sa bansa dahil 41% ng mga nang-aabuso ay mga magulang ng mga bata, habang 42% ay mga kaanak.

Marami rin aniyang mga batang lalaki na nabibiktima ng sexual abuse na pinipili na lang umanong manahimik dahil sa paniniwalang hindi dapat nagrereklamo o umiiyak ang lalaki.