KORONADAL CITY- PINANGUNAHAN ng Office of Civil Defense o OCD 12 at Department of Agriculture – Regional Field Office 12 ang finalization ng contingency plan para sa El Niño.
Layon nito na magkaroon ng komprehensibong plano upang mapaghandaan ang pagtama ng El Niño phenomenon. Batay sa El Niño advisory No. 6 ng PAGASA, asahan ang peak ng El Niño sa darating na mga buwan na posibleng tumagal hanggang sa second quarter ng 2024.
Sa panahon ng El Niño, makakaranas ang bansa ng below-normal rainfall condition kung saan nasa 20% hanggang 60% na mas mababa sa normal ang pag-ulan.
