Naghahanda na para sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong darating na Undas at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ayon kay PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador, inaasahang aabot sa 1.6 milyong biyahero ang dadagsa sa naturang terminal sa darating na Undas at BSKE.
Tiniyak naman ng kompanya sa publiko na paiigtiingin nito ang seguridad sa terminal upang maging ligtas ang bawat biyahe ng mga pasaherong uuwi ng kani-kanilang probinsya.
Kaugay nito ay nagsagawa ang kompanya katuwang ang Land Transportation Office (LTO) ng road worthiness inspections at mandatory drug test sa 100 drivers kung saan lima ang nagpositibo sa nasabing test.