PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON.

Sa pulong balitaan – inanunsyo ni PISTON secretary general Ruben Baylon na isasagawa ito mula April 29 hanggang May 1, Labor Day.

Protesta pa rin nila ito sa PUV Modernization program kung saan – ‘di na in-extend pa ang deadline ng hanggang April 30.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Sabi ni Baylon, nataon pa raw namawawalan sila ng pangkabuhayan, sa mismong Araw ng Paggawa sa Mayo Uno.

Sasabay din sa mga welga ang Kilusang Mayo Uno, pati na rina ng mga miyembro ng Bayan Muna.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Muli namang umapela si Baylon sa mga komyuter na unawain sila kung bakit sila nagwe-welga.

Bago ito, una nang nag-anunsyo ang MANIBELA ng dalawang araw na tigil-pasada sa April 29 at 30.