Pinsala sa pambobomba ng water cannon ng China sa BRP Bagacay – mahigit P3M

Tinatayang aabot mula P2M hanggang P3M ang halaga ng pinsalang natamo ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG), mula sa pambobomba ng tubig ng China.

Sa pagbalik ng BRP Bagacay – sinabi ni Commodore Arnaldo Lim na nawasak ang canopy, at railings ng barko.

Aniya – sa sobrang lakas ng tubig ay nabuwal at nasira rin ang LED Screen display ng kanilang kagamitan.

May pinsala rin sa mga navigational equipment nito.

Hindi naman daw ito babayaran ng China, at isho-shoulder pa ang mga pinsalang ‘yan ng ating Gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *