Pinas spikers, sasabak sa matinding bakbakan vs Thailand

Nakatakdang sagupain ng Philippine women’s volleball team ang koponan ng undeafeted na Thailand ngayong araw para sa 31st Southeast Asian Games sa Thailand.

Asahan ang matinding bakbakan sa pagharap ng Pinas sa team ng Thailand na hanggang sa ngayon ay wala pa ring talo magmula pa noong 2011.

Read More:  DepEd to establish 13 new division offices to improve services in remote schools

Samantala, buena mano ngayong araw ang pag-sungkit ng dalawang medalya sa Men’s Triathlon.

Iniuwi ni Fernando Casares ang gold medal; habang silver naman kay Kim Remolino.

Nakatakda namang bakbakan sa hard-court ng Men’s 3×3 basketball team ang Malaysia at Vietnam ngayong araw.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Indonesia at Malaysia naman ang makahaharap ng Women’s 3×3 team ng Pinas.

Sa kabuoan, mayroon nang 27 medalya ang Team Pilipinas – 5 rito ang gold medals; 11 silver medals; at 11 na bronze medals.
#