Marami ang napanganga at namangha sa nagawa ng walong kalalakihan sa Ukraine matapos ng mga itong hilahin ang itinuturing na pinakamabigat na cargo plane sa buong mundo.
Gamit ang lubid ay nagawang hilahin ng 14 na talampakan sa loob ng isang minuto at 14 na segundo ng walong bodybuilders ang Antonov An-225 Mriya, isang 628,300-pound cargo plane.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Ukraine Independence ay itinala ang nagawa ng walong bodybuilders sa national record book ng kanilang bansa. Plano rin itong isumite sa Guinness World Records. || Shiela Madrigalejos