Naungusan na ng ports and casino magnate na si Enrique Razon Jr. ang real estate tycoon na si Manny Villar bilang pinakamayamang tao sa bansa.
Sa latest Top 50 richest in the Philippines ng Forbes ngayong 2024, naitala ang networth ni Razon sa $11.1-B; habang si Villar ay mayrong $10.9-B.
Nananatili pa ring pinakamayaman ang Sy siblings na may combined $13-B networth.
Sila ang second generation na nagmana sa yaman ni Henry Sy.
Ika-apat sa listahan ang president and CEO ng San Miguel na si Ramon S. Ang; sinundan ng Isidro Consunji and siblings; Tony Tan Caktion; Lucio Tan; Jaime Zobel de Ayala; Lucio & Susan Co; at Aboitiz Famiy.
Sa kabuoan – ang combined net worth ng top 50 richest ay umakyat sa $80.8B; mas mataas sa $80.4-B noong nakaraang taon.