COMELEC, nagtalaga ng 757 na mga clustered precinct na isasailalim sa random manual audit

May napili ng mga clustered precinct na gagawan ng mano-manong bilangan para sa tinatawag na random manual audit o RMA.

Sa batas ukol sa automated election system, may pipiliin na presinto na mano-manong bibilangin ang boto at ang resulta ay ikukumpara sa resulta na inilabas ng mga vote counting machine o VCM.

Sinabi ni COMELEC Commissioner Aimee Ferolino na siyang head ng COMELEC Committee para sa RMA na utos ng batas na magkaroon nito para sa transparency at maging subukan ang kredibilidad ng bilangan.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ito anila ang huling proseso ng eleksyon kung saan sinabi ni Commissioner Ferolino na kahit tapos na ang proklamasyon ng mga kandidato ay hindi pa tapos ang RMA.

Para rito, napili ang 757 na mga clustered precincts para sa priority list o main list at 605 naman ang contingency list.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ang contingency list ay gagamitin kapag hindi nagamit ang main list.

Random ang ginawang pagpili sa mga clustered polling precinct gamit ang mga selyadong laptop mula sa COMELEC.

Samantala, ang random manual audit ay maguumpisa bukas at tatagal naman hanggang sa June 21.#(CLAY MARQUEZ)