Pinakamataas na Teenager sa Mundo, naglalayong makapasok sa NBA

Pangarap ni Oliver Rioux na makapasok sa National Basketball Association. Kung height ang pag-uusapan kanyang makipagsabayan ni Rioux sa mga naglalakihang manlalaro ng NBA dahil kasalukuyang hawak niya ang Guiness World Record bilang pinakamataas na male teen sa mundo.

Kasalukuyang nagpapaganda ng kanyang kasanayan sa University of Florida, bahagi si Olivier ng men’s basketball team.

Bukod dito, mahilig din siya sa pagguhit ng mga abstract at determinadong makamit ang kanyang mga pangarap, lalo na sa pamamagitan ng pag-aambag sa kanyang komunidad, partikular sa mga proyektong may kinalaman sa kapaligiran.

Sinabi niya rin na ang kanyang laki ay may mga benepisyo rin, tulad ng mas mataas na pananaw sa larangan ng basketball.

Sa kabuuan, si Olivier Rioux ay hindi lamang isang teenage sensation sa larangan ng basketball, kundi pati na rin isang inspirasyon sa kanyang determinasyon at positibong pananaw sa buhay.(BRIGADA NEWS INTERN KHEN ALIX)