Pinakamataas na porsiento ng mga batang edad 5- 11 na nabakunahan kontra COVID- 19 naitala sa Capalonga

CAMARINES NORTE- Mababa pang masyado ang COVID- 19 vaccination coverage sa mga batang edad 5- 11 taong gulang sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos mula sa Provincial Covid- 19- Vaccination operation center 9, 503 pa lang o 9. 7 percent ang nababakunahan  sa target na 97, 638.

Sa labingdalawang bayan, ang Capalonga ang nagtala ng pinakamataas na porsiento vaccination coverage sa ngayon para sa naturang age group.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa target na 5, 393 nasa 1, 352 na o 25. 1 percent ang nababakunahan.

Sinusundan ito ng Basud na mayroong 1, 358 o 22. 4 percent ng target na  6, 864.

Pumangatlo ang San Vicente, ang pinakamaliit na bayan sa lalawigan na mayroong 290 nabakunahan o  16. 7 percent sa target na 1, 738.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ang capital town na Daet ay mayroon namang 11. 4 percent vaccination coverage sa naturang age group.

Sa target na 17, 545 nasa 2, 007 pa lang ang nababakunahan.

Ang Covid- 19 vaccination sa naturang age group ay sinimulan sa lalawigan noong Marso ng taong kasalukuyan.