Pinakamalaking Design Conference sa ASEAN region, isasagawa ng DCP

Nakatakdang isagawa sa susunod na linggo ang Design Center of the Philippines – ahensya sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI), ang pinakamalaking design conference sa buong ASEAN region.

Pangungunahan ang naturang aktibidad ng mga kilalang personalidad sa larangan ng sining at disenyo mula sa ibang bansa at maging sa Pilipinas.

Kabilang sa mga ito ang award winning design critic at manunulat na si Alice Rawsthorn; art critic at curator na si Marian Pastor-Roces; Christina Melander ng European Design Organization; Daniela Bohlinger ng BMW Group at marami pang iba.

Idaraos ang dalawang araw na aktibidad sa September 14 at 15, 2023 sa Tanghalang Ignacio Gimenez sa CCP Complex, Pasay City.

Inaasahang dadaluhan ang aktibidad ng libo-libong kalahok kabilang na ang hanay ng media na itinaon naman sa selebrasyon ng Philippine Creative Industries Month ngayong buwan ng Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *