Pinakamababang system loss , naitala ng Casureco IV sa nakalipas na siyam na taon; Kita, sumipa sa isang milyon

CAMARINES SUR — Nakapagtala ang Camarines Sur IV Electric Cooperative, Inc. ng nasa 9.38 percent lamang na system loss o porsyento ng nasasayang na kuryente para sa taong 2023, pinakamababa sa nakalipas na siyam na taon simula 2015.

Ayon kay Renato “Ato” San Jose, ang General Manager ng Casureco IV, sa isinagawagang Hybrid Annual General Membership Assembly, nitong nakaraang linggo, ang itinuturong rason ng system loss, maliban sa mga natural causes nito,  ay ang mga illegal na koneksyon ng ilang konsumedor kung kaya upang maiwasan ito, pinapayuhang makipagtulungan sa kanila at huwag matakot na isumbong ang mga nagnanakaw ng kuryente, upang magtuloy-tuloy na ang pababa nito at kalaunan ay mawala na nang tuluyan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop
Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nakapagtala rin ng pinakamababang numero ng brown out o System Average Interruption Frequency Index (SA-I-FI) ang kooperatiba para sa taong 2023, base sa ulat ng Energy Regulatory Commission, kasabay ng pagsipa ng kabuoang kita nito na umabot sa mahigit isang milyon, mas mataas sa taong 2022.