Pinaka mahal na baka sa buong mundo, naibenta ng PHP246M

Kung ikaw ay mahilig sa steak o sa karne ng baka, baka ito na ang sagot para matikman ang kinokonsiderang pinaka-masarap na karne sa buong mundo.

Na-ibenta na kasi sa Brazil ang pinakamahal na baka sa buong mundo, ayon sa Guinness World Records.

Sa halagang $4.38 million o mahigit PHP246 million, naibenta ang Nelore female cow na may pangalang Viatina-19 FIV Mara.

Kilala ang Nelore breed dahil sa kanyang matingkad na puting fur at natatanging umbok sa itaas ng mga balikat.

Bukod pa rito, kinokonsidera rin ang karne nitong bilang isa sa pinaka masarap at mailalarawan bilang “high quality.”

###