Pinasisiyasat ni Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Supreme Court ang mga judge o hukom na nag-i-inhibit sa kaso ni dating Senador Leila De Lima.

Sinabi ni Pimentel na hindi makatuwiran ang inhibition ng mga hukom sa sinumang akusado na nakakulong dahil tumatagal ang proseso ng paglilitis tulad kay De Lima.
Binanggit din ni Pimentel ang nakabinbin na kaso ni De Lima na nakulong ng mahigit anim na taon sa akusasyon na sangkot ang dating justice secretary sa droga.
Noong Hunyo 2023 boluntaryo nag-inhibit si Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara ng Muntinlupa City Branch 204 sa natitirang drug case laban kay De Lima.
Siya ang pangalawang hukom na nag-inhibit sa huling kaso ni De Lima, ang una ay si Presiding Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa City RTC Branch 256.