Iminungkahi ng isang maritime expert na ipadala na ng Pilipinas ang mga barko ng Philippine Navy sa susunod na resupply mission sa West Philippine Sea.
Ayon kay Maritime Security Expert Ray Powell huwag ng umasa na magbabago ang mga agresibong galawan ng China na pilit na inaangkin ang West Philippine Sea.
Sinabi naman ni Maritime expert Atty. Jay Batongbacal na dapat ng baguhin ng Pilipinas ang istilo ng resupply mission sa halip na civilian boats, mga barko na mismo ng Philippine Navy ang dapat na maglayag.
Nanindigan naman ang Philippine Coast Guard na iiwas ito sa anumang hakbang na magpapalala sa tensyon sa patuloy na pagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin at iba pang bahagi ng West Philippine Sea.
Dagdag pa ng PCG na ayaw nilang lumalala pa ang tensyon kaya hindi nila iminumungkahi na gamitin ang mga barko ng Philippine Navy.
