Pimente: Isyu sa WPS, dapat i-raise ni Marcos sa Chinese trip

Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na ire-raise ni Pangulong Bongbong Marcos sa China ang mga isyung may kinalaman sa pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos magkasundo ang lahat ng mga Senador kahapon sa isang resolusyon para kundenahin ang forced retrieval ng Chinese military sa kanilang rocket debris mula sa mga tauhan ng Philippine Navy.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay Pimentel, nararapat lamang na talakayin ni Marcos sa Chinese Government ang mga ganitong uri ng insidente.

READ MORE:

Sa ganitong paraan ay mahihingan ng paliwanag ang China, at maiiwasan na ang mga susunod pang pamba-braso ng kanilang coast guard.

Una nang nagpadala ang Gobyerno ng Pilipinas ng note verbale sa China.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Taliwas sa kuwento ng Philippine Navy – dumipensa na ang Chinese Embassy at sinabing nagkaroon ng ‘friendly consultation’ sa ginawa nilang pag-rekober sa mga debris nito sa West Philippine Sea.

Kung maaalala – sa Enero ng susunod na taon ay nakatakdang bumisita si Marcos sa China para makipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

READ MORE: