Kinumpirma ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na lalarga na ang pilot implementation ng panbiagong curriculum para sa senior high school o SHS sa School Year 2025-2026.
Ayon kay Duterte, nagpapatuloy pa rin kasi ang review sa revised curriculum.
Aniya, nirerepaso pa ang nilalaman ng grades 11 and 12 curriculum nang sa gayon ay mas maging ‘job-ready’ na ang mga magsisipagtapos ng senior high school.
Mayroon ding lumalarga pang pilot implementation ng Matatag curriculum.