‘The Philippines has no intention of rejoining the ICC’.
Ito ang binatawang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa mga panukalang bumalik na ang Pilpinas sa hurisdiksyon ng International Criminal Court o ICC.
Matatandaaang kasing isinulong ni ICC prosecutor Karim Khan ang reinvestigation sa kampanya laban sa iligal na droga ng nakaraang administrasyon.
Nito lamang din nang magpulong ang legal team ng Marcos administration para talakayin ang isyu.
Sa isang pulong balitaan sa Pasig, sinabi ni Marcos na wala pa ring balak ang gobyerno na bumalik sa ICC.
Paliwanag nito, mayroon namang nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Giit pa nito na ibang klase ng korte ang ICC kaya kinakailangan pa itong pagaralang mabuti.
Aniya, baka raw kasi ma-misinterpret lamang ang mga ginagawa ng Gobyerno kaya naman kailangan na munang magkaroon ng linaw kung ano ba ang dapat gawin, at ang mga susunod na hakbang ng ating pamahalaan.
#